

Kilala siya sa mga pelikulang "Rashomon", "Seven Samurai", "Throne of Blood", at "Yojimbo", si Toshiro Mifune ay isang tanyag na aktor at prodyuser. Isinilang noong 1 Abril 1920 sa lungsod ng Seito (ngayon ay Qingdao) sa Tsina. Ang mga magulang niya ay mga misyonaryong Metodista. Noong 1947, una siyang sumabak sa pag-arte nang sinama siya sa listahan ng mga bagong diskubre ng Toho. Noong 1950, nagsimula ang kolaborasyon nila ni direktor Akira Kurosawa nang si Mifune ay pinili sa mga pelikula niya, na kung saan ang mga papel niya ay mga samurai o ronin na may kasungitan. Bukod sa mga pelikula nila ni Kurosawa, lalong lumawak ang kanyang katanyagan nang itinatag niya ang sariling kompanya na gumagawa ng pelikula at saka, mga papel niya sa mga pelikulang pangdaigdig. Pumanaw noong bisperas ng Pasko (24 Disyembre) 1997 sa Mitaka Ward, Tokyo. Siya ay 77 anyos.
Voir plus







































